Bumawi ang mga Asian currencies laban sa US dollar matapos ang pahayag ni US President Donald Trump tungkol sa peace deal sa Iran at pagbubukas ng Strait of Hormuz, dahilan ng pagbaba ng presyo ng langis.
Nanguna ang Philippine peso sa pagtaas, umangat ng higit 1%. Ayon sa mga analyst, mas nakinabang ang mga currency ng bansang umaasa sa imported na enerhiya dahil bumaba ang oil prices.
Sinabi ng MUFG Bank na nag-a-adjust ang merkado pabalik sa normal levels matapos matanggal ang “risk premium” sa langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Pero may hamon pa rin sa Pilipinas, ang mataas na inflation na nasa 6.8%, habang mabagal ang paglago ng ekonomiya na 2.8% lamang. Dahil dito, inaasahang magdedesisyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa posibleng 25 hanggang 50 basis points na pagtaas ng interest rates.
Babala ng mga analyst, maaaring bumalik ang pressure sa piso kung hindi magiging sapat ang aksyon ng BSP o kung muling lumala ang global conditions.











