--Ads--

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Senador Erwin Tulfo matapos magkaroon ng deadlock sa pagsasabatas ng AICS bill dahil sa pagtanggi ng ilang kongresista na lagdaan ang bersyon ng Senado.

Ang pangunahing dahilan ng pagkaantala ay ang Section 17 o ang “Anti-Epal” provision, na nagbabawal sa mga politikong gamitin ang kanilang pangalan o mukha sa pamimigay ng ayuda mula sa DSWD.

Binigyang-diin ni Tulfo na walang dahilan para harangan ang batas dahil pera ng taumbayan ang ginagamit dito at hindi ng mga opisyal.

Dahil sa hidwaang ito, nakatakdang iakyat ang panukala sa isang bicameral conference upang maplantsa ang pinagtatalunang probisyon.

--Ads--