--Ads--

Asahan ang malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy, posible ang P3 hanggang P5 rollback sa kada litro ng gasolina.

Maaari namang maglaro ng mula sa P8 hanggang P10 ang tapyas sa kada litro ng diesel habang P9 hanggang P12 sa kerosene.

Itinulak ito ng nilagdaang initial peace agreement ng Amerika at Iran para matuldukan na ang digmaan.

--Ads--

Pero maaari pang bumaba o tumaas ang presyuhan depende sa resulta ng huling araw ng kalakalan sa world market.