--Ads--

Magkakaroon ng magkasalungat na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa paunang pagtaya, posibleng tumaas ng ₱0.20 hanggang ₱0.40 kada litro ang presyo ng diesel, habang inaasahang bababa naman ng ₱4.00 hanggang ₱4.20 kada litro ang presyo ng gasolina.

Gayunman, inaasahan pang ilalabas ng mga kompanya ng langis ang pinal na anunsyo ng kanilang price adjustments nito sa Lunes bago ang nakatakdang pagpapatupad nito sa araw ng Martes.