--Ads--
Posibleng makaranas ng panibagong rollback ang mga motorista sa susunod na linggo matapos asahang bababa ng ₱4.50 hanggang ₱5.00 kada litro ang presyo ng diesel at gasolina.
Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS), ang inaasahang bawas-presyo ay dulot ng pagbaba ng pandaigdigang presyo ng langis kasunod ng pag-asa sa diplomatikong pag-uusap sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, gayundin ng paglalakas ng piso laban sa dolyar.
Ilalabas ng Department of Energy (DOE) ang opisyal na price adjustment sa Lunes, Agosto 10, habang ipatutupad naman ito ng mga kumpanya ng langis sa susunod na araw.











