Posibleng sumipa nang malaki ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East at paghina ng piso kontra dolyar.
Batay sa estimates ng isang oil industry source, maaaring tumaas ng ₱4 hanggang ₱4.50 kada litro ang gasolina at ₱4.50 hanggang ₱5.50 naman sa diesel.
Ayon sa source, kabilang sa mga dahilan ang mataas na presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East at patuloy na paghina ng Philippine peso.
Nakatakdang mag-anunsyo ang mga oil company ng price adjustments sa Lunes na ipatutupad sa Martes, Setyembre 8.
Matatandaang nagkaroon ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene nitong Setyembre 1.
Samantala, maaaring manatiling mataas ang inflation hanggang 2027 dahil sa pagtaas ng minimum wage, pinsala sa agrikultura at posibleng matinding El Niño.











