--Ads--

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inatasan ng Pangulo ang mga awtoridad na tiyakin ang kaligtasan sa lahat ng establisimyento, lalo na sa mga paaralan.

Sinabi rin ni Castro na labis na ikinalungkot ng Pangulo ang insidente, at nakikiramay ito sa mga pamilya ng mga biktima.

Dalawang menor de edad na umano’y sangkot sa pamamaril ang nasa kustodiya na ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

--Ads--

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang buong detalye at pananagutan sa nangyaring karahasan.