--Ads--

Bumaba ang shipping activity sa Strait of Hormuz matapos ianunsyo ng Iran ang muling pagsasara ng mahalagang waterway kasunod ng mga pag-atake sa Lebanon.

Ayon sa maritime data, 12 vessels lamang ang dumaan noong Linggo, mula sa 35 transits noong nakaraang araw.

Sinabi ng Iran na sarado ang strait bilang tugon sa mga operasyon ng Israel, ngunit iginiit ng U.S. Central Command na nananatiling bukas ito at tuloy ang ligtas na pagdaan ng mga barko.

Ang Strait of Hormuz ay mahalagang ruta ng langis na dinaraanan ng malaking bahagi ng pandaigdigang supply ng krudo at gas.

--Ads--