Naging dominante ang Mexico upang talunin ang Czechia, 3-0, sa kanilang ikatlong laban sa group stage ng FIFA World Cup sa Mexico City Stadium.
Bago ang laban, nangunguna ang Mexico sa grupo na may perpektong anim na puntos matapos ang magkasunod na panalo laban sa South Africa at Korea Republic. Samantala, nangangailangan ng panalo ang Czechia upang mapanatili ang pag-asang makausad sa susunod na yugto ng torneo.
Nagtapos ang 1st half sa iskor na 0-0(nil-nil) matapos ang mahigpit na depensa ng dalawang koponan. Ilang beses na umatake si Denis Visinsky para sa Czechia, habang si Jorge(horhe) Sanchez naman ang nagtala ng tanging shot on target para sa Mexico.
Pagsapit ng 2nd half, tuluyang nabasag ng Mexico ang depensa ng Czechia. Unang nagbigay ng bentahe si Mateo Chavez nang maipasok niya ang isang left footed shot sa pamamagitan ng magandang assist ni Luis Romo para sa 1-0 na kalamangan.
Pinalaki ni Julian Quinones ang abante ng Mexico sa 2-0 matapos niyang samantalahin ang mahusay na pasa ni Jorge Sanchez at maipasok ang low right shot sa sulok ng goal. Ito na ang kanyang ikalawang goal sa torneo.
Tuluyang sinelyuhan ni Alvaro Fidalgo ang panalo ng Mexico nang maipasok niya ang kanyang lef footed shot mula sa loob ng penalty area matapos ang tumpak na pasa ni Roberto Alvarado, dahilan upang maging 3-0 ang pinal na iskor.
Sa panalong ito, nanatiling perpekto ang kampanya ng Mexico sa group stage at lalo nitong pinatatag ang puwesto habang naghahanda para sa knockout stage.











