Arestado ang isang 49-anyos na construction worker sa Santiago City matapos isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act.
Kinilala ng Santiago City Police Office – Police Station 2 ang suspek sa alyas na “Rico,” may asawa at residente ng Barangay Sagana, Santiago City.
Batay sa ulat, naaresto ang akusado sa Barangay San Andres, Santiago City sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5 ng RA 9262. Itinakda ng korte ang piyansang P24,000 para sa bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago iniharap sa scpohukuman. Kalaunan ay nakalaya rin ito matapos makapagpiyansa.










