--Ads--

Nagdeploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 10,000 pulis upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa ginanap na White Ribbon March sa EDSA People Power Monument noong Linggo.

Sa pahayag ng NCRPO, kabuuang 9,602 na tauhan ang inilatag sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila bilang bahagi ng kanilang seguridad at crowd management operations para sa nasabing pagtitipon.

Nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng mga grupong panrelihiyon, civil society organizations, labor groups, youth organizations, at iba pang sektor upang makiisa sa panawagan para sa pananagutan at laban sa korapsyon.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng banal na misa sa EDSA Shrine bago isinagawa ang unity march patungo sa People Power Monument.

--Ads--

Sumunod naman ang pangunahing programa nitong alas-2:30 ng hapon kung saan muling binigyang-diin ng mga kalahok ang kahalagahan ng transparency, accountability, at mabuting pamamahala.