--Ads--

Natagpuang patay ang dating bise alkalde ng Abuyog, Leyte na si James Bohol at ang kaniyang anak matapos silang maiulat na dinukot noong nakaraang weekend.

Kinumpirma ni Abuyog Mayor Lemuel Gin Traya nitong Martes ang pagkakatagpo sa mga labi ng mag-ama.

Matatandaang iniulat na nawawala sina James at Jimbo matapos umanong dukutin ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang motibo sa krimen at matukoy ang mga responsable sa pagdukot at pagpatay sa mag-ama.

Wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang mga awtoridad kaugnay sa kaso.

--Ads--