Free agent na muli ang NBA superstar na si LeBron James matapos ipaalam ang kaniyang pag-alis sa Los Angeles Lakers kasabay ng pagbubukas ng 2026 NBA Free Agency.
Ayon sa mga ulat, hindi na magbabalik si James sa Lakers sa susunod na season, na nagwawakas sa walong taong pananatili niya sa koponan. Dahil dito, isa siya ngayon sa pinakamalalaking pangalan sa free agency market ngayong offseason.
Agad namang umigting ang mga espekulasyon hinggil sa susunod na destinasyon ng 41-anyos na four-time NBA champion, kabilang ang posibilidad ng paglipat sa Golden State Warriors upang makasama si Stephen Curry. Gayunman, wala pang pormal na anunsyo hinggil sa kaniyang susunod na koponan.
Matatandaang nagtala si James ng 20.9 puntos, 6.1 rebounds, at 7.2 assists kada laro noong nakaraang season at napili sa NBA All-Star Game sa ika-22 sunod na pagkakataon.











