--Ads--

Inihayag ng United States Department of Agriculture (USDA) na may malaking oportunidad ang Pilipinas na mapakinabangan ang tumataas na pandaigdigang demand para sa ube o purple yam, ngunit nahahadlangan ito ng mababang produksyon sa bansa.

Batay sa datos, bumaba sa 12,483 metriko tonelada ang produksyon ng ube noong 2025 mula sa 13,382 metriko tonelada noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng planting materials, limitadong kapasidad sa pagproseso, at maliliit na sakahan.

Bilang tugon, nakatakdang maglaan ang USDA ng $34.12 milyon para sa mga programang magpapalakas sa produksyon ng ube sa Luzon at Visayas, kabilang ang pagsasanay sa mga magsasaka at pagpapabuti ng postharvest at processing facilities.