--Ads--

Ipinagbabawal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagva-vlog at paggawa ng content para sa social media habang nagmamaneho ang mga tsuper ng public utility vehicles (PUV).

Ito ay matapos maglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular No. 2026-050 na muling nagpapaalala sa mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act kasunod ng pagdami ng mga tsuper na gumagawa ng online content habang nasa manibela.

Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, kahit ilang segundong pagkalingat sa pagmamaneho ay maaaring magresulta sa aksidente at magbanta sa kaligtasan ng mga pasahero at iba pang motorista.

Binigyang-diin ng LTFRB na dapat unahin ng mga tsuper ang ligtas na pagmamaneho kaysa sa paggawa ng content para sa social media.

--Ads--

Sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act, ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang electronic devices habang nagmamaneho. Ang mga lalabag ay maaaring patawan ng multang mula ₱5,000 hanggang ₱20,000, habang ang mga paulit-ulit na paglabag ay maaaring humantong sa suspensiyon o pagbawi ng driver’s license