--Ads--

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang buwanang pamamahagi ng bigas sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor sa Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PESO Isabela Manager Cecilia Claire Reyes, sinabi niyang layunin ng programa na mabawasan ang gastusin sa pagkain ng mga benepisyaryo upang mailaan nila ang kanilang kita sa iba pang pangunahing pangangailangan.

Aniya, patuloy ring nakikipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan sa iba’t ibang tanggapan upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa.

Sa kabuuan, 5,377 benepisyaryo ang tumanggap ng rice assistance. Kabilang dito ang 4,168 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), 404 Persons with Disabilities (PWDs), 403 mangingisda, 401 solo parents, gayundin ang mga former rebels at barangay frontliners.

--Ads--

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa patuloy na ayuda.

Ayon kay TODA beneficiary Danny Ramos, malaking kabawasan sa gastusin ng kanilang pamilya ang natatanggap na bigas at umaasa siyang magpapatuloy ang programa upang mas marami pang sektor ang makinabang.