--Ads--

Inihayag ng isang Abogado na tama lamang ang ginawa ng Senado na pantilihinh 6 o 2/3 ng kabuuang bilang ng mga Senador ang kinakailagan para sa conviction ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Ariel Inton, Founder/President ng Lawyer for Commuters Safety and Protection, sinabi niya na kahit pa hindi makadalo ang ilang mga Senador dahil sa ilang mga kadahilanan ay nananatili pa rin silang miyembro ng Senado kahit pa sila ay suspendido.

Hindi aniya nakasaad sa saligang batas na babawasan ang threshold kung nabawasan ang bilang ng mga present na Senador dahil mandatory ang 2/3 votes sa conviction.

Binigyang-diin naman ni Atty. Inton na ang usapin sa bilang ng boto para sa conviction ay dapat ginagawa sa mismong paghahatol at hindi sa trial.

--Ads--

Gayunman, kung sakali man aniyang iparating ng prosecution na kwestiyunin sa Korte Suprema ang nagging desisyon ng presiding officer para bawasan ang threshold, kinakailangan muna patunayan ng prosekusyon na ang desisyon ng presiding officer ay ay pasok sa grave abuse of discretion.