--Ads--

Masayang ibinahagi ng aktres na si Kathryn Bernardo na sa wakas ay personal na niyang nakita ang kanyang wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong matapos ang halos isang taong paghihintay.

Inilantad ang wax figure nitong Hulyo 9 sa Glorietta 2 sa Makati City. Nagsimula ang proyekto noong Agosto 2025 kung saan isinagawa ang mga sukat at iba pang detalye upang matiyak ang pagkakahawig nito sa aktres.

Ayon kay Kathryn, humanga siya sa husay ng mga artistang gumawa ng wax figure dahil nakuha maging ang maliliit na detalye ng kanyang hitsura, mula sa kanyang facial features hanggang sa kanyang mga kuko at make-up.

Ibinahagi rin ng aktres na espesyal para sa kanya ang gown na suot ng wax figure dahil hango ito sa isang mahalagang yugto ng kanyang karera nang makatanggap siya ng parangal sa South Korea noong 2023.

--Ads--

Sinabi ni Kathryn na hindi niya agad napaniwalaan nang unang makatanggap siya ng paanyaya mula sa Madame Tussauds. Gayunman, tuluyang nagkaroon ng saysay ang lahat matapos makita nang personal ang natapos na obra, na aniya’y isa sa mga pinakamahalagang pagkilala sa kanyang karera.