--Ads--

Malapit nang makapasok sa quarterfinals ng 2026 Asian Games ang Gilas Pilipinas Women matapos talunin ang Hong Kong, 90-73, nitong Linggo sa Nagoya, Japan.

Nanatiling walang talo ang Gilas Women sa Group B sa kartadang 2-0, habang bumagsak naman sa 0-2 ang Hong Kong.

Nanguna sa panalo si Stefanie Berberabe na nagtala ng 21 puntos, habang nagdagdag si Afril Bernardino ng 17 puntos at 11 rebounds. May 15 puntos naman si Jhazmin Joson.

Susunod na haharapin ng Gilas Women ang host Japan sa Martes, alas-12 ng tanghali, kung saan target nilang makumpleto ang sweep sa group stage at masiguro ang puwesto sa quarterfinals.

--Ads--