--Ads--

Bumaba ng 26.5% ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) sa Pilipinas sa unang apat na buwan ng 2026, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Mula sa $2.68 bilyon noong Enero hanggang Abril 2025, bumagsak ito sa $1.97 bilyon sa kaparehong panahon ngayong taon.

Ayon sa BSP, pangunahing dahilan ng pagbaba ang malaking pag-urong ng mga pamumuhunan sa debt instruments o intercompany loans sa pagitan ng mga dayuhang kumpanya at kanilang lokal na sangay. Bumaba ito ng mahigit 40 porsiyento sa $1.22 bilyon mula sa $2.04 bilyon noong nakaraang taon.

Samantala, bumaba rin ng 14% ang reinvested earnings sa $285 milyon.

--Ads--

Sa kabila nito, tumaas naman ng 53.7% ang net equity investments sa $464 milyon, kung saan karamihan sa mga puhunan ay nagmula sa Japan, Estados Unidos at Singapore.

Karamihan sa mga pamumuhunan ay napunta sa sektor ng manufacturing, real estate, at financial at insurance services.