--Ads--

Bahagyang lumakas ang piso kontra dolyar nitong Miyerkules, matapos magsara sa ₱64.025 kada dolyar mula sa ₱64.17 noong Martes.

Ayon sa mga ulat, umakyat ng 14.5 sentimos ang halaga ng piso kasunod ng limang magkakasunod na araw ng paghina nito.

Gayunman, umabot pa rin sa ₱64.18 kada dolyar ang pinakamahinang halaga nito sa intraday trading matapos magbukas sa ₱64.08.

Ayon sa isang ekonomista, maituturing na healthy correction ang bahagyang paglakas ng piso matapos ang sunod-sunod na paghina nito.

--Ads--

Patuloy namang nakaaapekto sa piso ang mataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at ang kawalan ng katiyakan sa ekonomiya bunsod ng krisis sa Middle East.