--Ads--

Matagumpay ang unang laro ni Jimmy Alapag bilang head coach ng NLEX matapos tambakan ng Road Warriors ang Macau Black Bears, 114-75, sa PBA Season 50 Governors’ Cup noong Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pinangunahan ni import DeQuan Jones ang NLEX matapos kumamada ng 23 puntos at 11 rebounds, habang nagdagdag si Kevin Alas ng 19 puntos.

Nag-ambag din sa opensiba ng Road Warriors sina Ljay Gonzales na may 13 puntos, JB Bahio na may 11 puntos, at Schonny Winston na nagtala ng 10 puntos.

Dahil sa 39-point victory, naitala ng NLEX ang pinakamalaking panalo sa kasaysayan ng prangkisa at ang kanilang unang panalo sa import-laden conference sa Group A.

--Ads--

Samantala, natamo ng Macau ang kanilang unang kabiguan sa torneo sa kabila ng 35 puntos ni Damian Chongqui at double-double performance ni import De’vontre Perry na nagtala ng 26 puntos at 15 rebounds.