--Ads--

Malaki ang naitutulong ng mga impormasyong ibinibigay ng mga residente sa pinaigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga sa Santiago City.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLT Stephen Carandang, Deputy Station Commander ng Police Station 4, na bukod sa tuloy-tuloy na operasyon at monitoring ng pulisya, nakatatanggap din sila ng mga ulat mula mismo sa mga mamamayan hinggil sa mga indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga.

‎Ayon kay Carandang, sumasailalim sa masusing beripikasyon at pagsusuri ang bawat impormasyong kanilang natatanggap bago magsagawa ng kaukulang aksyon ang pulisya.

‎Aniya, bahagi ng mahigpit na ipinatutupad na kampanya ng mga Awtoridad laban sa ilegal na droga ang 24-oras na monitoring ng kanilang mga tauhan upang matukoy ang mga hinihinalang sangkot sa iligal na aktibidad.

--Ads--

‎‎Dagdag pa niya, patuloy ding hinihikayat ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng responsableng pagbibigay ng impormasyon upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod.