--Ads--

Mas lalong naghigpit ng seguridad ang mga awtoridad sa Estados Unidos matapos ang natanggap na impormasyon na mayroon umanong assassination plot ang Iran laban United States President Donald Trump.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, matapos matanggap ni Trump ang impormasyon habang paalis sa dinaluhang NATO summit sa Turkey ay agad na itinaas sa highest level ang seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng Pangulo.

Sa pagbalik nito sa Washington ay isinakay umano si Trump sa lumang Air Force One sa halip na ang bagong Qatari jet bilang bahagi ng mga hakbang sa seguridad kaugnay ng natukoy na banta.

Ayon sa ulat, aabot umano ng $100 Million ang pabuya sa kung sino man ang makakapag-assassinate sa Pangulo ng America.

--Ads--

Maagap din na nakapagbigay ng instruction si Trump sa mga opisyal ng US kaugnay sa mga dapat nilang gawin kung sakali mang isakatuparan ng Iran ang kanilang banta.