--Ads--

Tumitindi ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos iulat na magpapadala ang Estados Unidos ng karagdagang puwersang militar sa paligid ng Iran.

Ayon sa isang opisyal ng US, tatlong aircraft carrier at dalawang amphibious landing group ang ide-deploy sa rehiyon, kabilang ang Roosevelt strike group at Makin Island force na may kasamang 2,000 Marines.

Samantala, isang supertanker na may kargang 2.5 milyong bariles ng langis ang tinamaan ng hindi pa matukoy na projectile habang dumaraan sa Strait of Hormuz, na nagdulot ng sunog.

Sa UK, inaresto ang isang British-Iranian national kaugnay ng isang security incident sa isang airbase sa England.

--Ads--

Naglunsad din ng panibagong opensiba ang mga rebeldeng Houthi sa Yemen, ngunit sinabi ng pwersa ng pamahalaan na napigilan nila ang mga pag-atake.