--Ads--

Nangamba umano si House Prosecutor at Manila Representative Joel Chua matapos siyang pagbuntunan ng matinding galit ni Vice President Sara Duterte sa isang pampublikong pahayag noong nakaraang taon.

Ayon kay Chua, nagpasya siyang kumuha ng personal security para sa kanyang kaligtasan dahil ang nagbitiw ng naturang mga pahayag ay ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial kahapon, ipinalabas ang ilang bahagi ng online press conference ni Duterte noong Nobyembre 2024 kung saan isa si Chua sa mga opisyal na binatikos ng bise presidente.

Sinabi ni Chua na hindi maiiwasang makaramdam ng pangamba sa mga naging pahayag ni Duterte dahil batid ng publiko ang kanyang posisyon at kakayahan bilang isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

--Ads--

Si Chua ang kasalukuyang chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nagsagawa ng imbestigasyon sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President.

Sa naturang pagdinig, na-contempt at pansamantalang idinetine ng Kamara si Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.