--Ads--

Dalawang katao ang nasawi habang anim naman ang nasugatan matapos ang panibagong pag-atake ng Russia sa Kyiv, Ukraine  gamit ang mga ballistic missile.

Ayon kay Kyiv Mayor Vitali Klitschko, kabilang sa mga nasugatan ang isang 16-anyos na binatilyo. Tatlo sa mga sugatan ang isinugod sa ospital habang ilang sunog ang sumiklab matapos tamaan ang isang bodega at iba pang gusali sa lungsod.

Samantala, iniulat din ng mga opisyal ng Ukraine na 13 katao ang nasawi at halos 50 ang nasugatan sa magkakahiwalay na pag-atake ng Russia sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Miyerkoles.

Nagpatuloy ang mga pag-atake sa gitna ng tumitinding labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine na mahigit apat na taon nang nagpapatuloy.

--Ads--