--Ads--

Nagbanta ang South Korea ng karagdagang hakbang laban sa Ukraine kaugnay ng alitan nila sa paglilipat ng dalawang bihag na sundalong North Korean.

Sinabi ni South Korean President Lee Jae Myung na dapat kilalanin ng Ukraine ang umano’y kasunduang panatilihing confidential ang paglilipat ng dalawang sundalo at humingi ng paumanhin sa publiko.

Nagpahayag din si Lee ng pagkabahala sa mga pahayag umano ng ilang opisyal ng Ukraine tungkol sa posibilidad ng komprontasyong militar sa pagitan ng North at South Korea.

Nagsimula ang diplomatikong sigalot matapos ihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa United Nations General Assembly noong nakaraang buwan na inilipat ng Ukraine sa South Korea ang dalawang North Korean prisoners of war na nahuli habang lumalaban para sa Russia.

--Ads--

Iginiit ng Seoul na nilabag ng Kyiv ang isang kasunduang panatilihing lihim ang naturang paglilipat, habang sinabi naman ng Ukraine na walang ganitong kasunduan.