--Ads--

Nagsimula na ngayong araw ang election period sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bilang paghahanda sa kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon na nakatakdang idaos sa Setyembre 14, 2026.

Kasabay nito, ipinatupad na rin ang gun ban at mas pinaigting na checkpoints sa lahat ng 105 munisipalidad at tatlong lungsod na sakop ng BARMM upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan.

Itinuturing na makasaysayan ang nalalapit na parliamentary elections dahil ito ang unang pagkakataon na direktang pipili ang mga mamamayan ng kanilang mga kinatawan sa ilalim ng parliamentary form of government ng BARMM.

Umaasa ang mga awtoridad na makatutulong ang mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan upang maiwasan ang karahasan at iba pang insidente na maaaring makaapekto sa integridad ng halalan.

--Ads--

Samantala, nananawagan ang Commission on Elections (COMELEC) at mga lokal na opisyal sa publiko na makiisa sa pagpapatupad ng election rules upang matiyak ang isang maayos, mapayapa at kapani-paniwalang eleksyon.

Nagsimula na rin ang mga election watchdog sa kanilang monitoring activities bilang bahagi ng paghahanda at pagbabantay sa buong proseso ng halalan.