--Ads--

Napatunayang nagkasala ng isang hukuman sa Indonesia ang 19 na katao dahil sa pagkakasangkot sa iligal na pagbebenta at trafficking ng 34 na sanggol patungo sa Indonesia at Singapore.

Pinatawan ng pinakamabigat na parusa ang umano’y lider ng sindikato, isang 70-anyos na babae, na hinatulan ng pitong taong pagkakakulong. Ang iba pang mga nasasakdal naman ay sinentensiyahan ng pagkabilanggo mula tatlo hanggang anim na taon.

Ayon sa mga awtoridad, ilegal na binibili ng grupo ang mga sanggol sa West Java at ipinagbibili para sa adoption sa Indonesia at Singapore mula 2023 hanggang 2025.

Sa kabuuang 34 na sanggol na sangkot sa kaso, pinaniniwalaang 12 na ang naipuslit at kasalukuyang nasa Singapore.

--Ads--

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang iba pang posibleng kasabwat at masiguro ang kalagayan ng mga sanggol na naapektuhan ng naturang operasyon.