--Ads--
Dahil sa matinding init sa Japan, naglunsad ang SDRS ng kakaibang “human refrigerator” na tinawag na Do Hiemon Box.
Ang personal cooling cabinet na ito ay idinisenyo upang mabilis na mapababa ang temperatura ng katawan. Naglalabas ito ng hanging nasa 5°C na nakatutok sa ulo, leeg, balikat at likod, at sapat na umano ang 10 minutong paggamit upang maibsan ang heat exhaustion.
May tatlong cooling modes ang Do Hiemon Box, awtomatikong namamatay matapos ang 20 minuto, at mas matipid sa kuryente kumpara sa portable air conditioner.
Ibinebenta ito sa halagang 1.5 milyong yen o humigit-kumulang ₱567,000 at kasalukuyang iniaalok sa mga kumpanya at ahensya ng gobyerno sa Japan.
--Ads--











