--Ads--

Target ng Kamara de Representantes na maipasa ang natitirang 26 priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa ikalawang regular na sesyon ng ika-20 Kongreso.

Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, kalahati na ng 52 LEDAC priority bills ang naaprubahan sa unang regular na sesyon at nakatuon ngayon ang Kamara sa pagpasa ng mga natitirang panukala.

Sinabi ni Marcos na mahalagang maisabatas ang mga naturang panukala upang masuportahan ang programa ng administrasyon at makatulong sa pagpapagaan ng buhay ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga prayoridad na panukalang tatalakayin ang Cybersecurity Act at ang panukalang nagbabawal sa mga kaanak ng mga opisyal ng gobyerno na makakuha ng kontrata mula sa pamahalaan.

--Ads--

Siyam na panukala naman ang daraan sa House Committee on Appropriations, kabilang ang modernisasyon ng Bureau of Immigration, Magna Carta for MSMEs, Classroom-Building Acceleration Program, at iba pang panukalang may kaugnayan sa imprastraktura at serbisyong pampubliko.

Samantala, patuloy pang pinag-aaralan sa iba’t ibang komite at technical working groups ang 15 iba pang panukala, kabilang ang mga amyenda sa Universal Health Care Act, Rice Tariffication Law, Anti-Money Laundering Act, at panukalang pagbabawal sa online gambling.