--Ads--

Arestado ang tatlong hinihinalang High Value Individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Ilagan Component City Police Station (CCPS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2–Isabela Provincial Office, at Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) SOU 2 sa Capitol Hills Subdivision, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela noong Hulyo 26.

Ang mga naaresto ay isang 57-anyos na tricycle driver, 33-anyos na construction worker, at 41-anyos na walang trabaho, na pawang residente ng Isabela.

Ayon sa mga awtoridad, nadakip ang mga suspek matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover operative sa isinagawang drug buy-bust operation.

Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 13.7 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na humigit-kumulang P93,160. Narekober din ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, isang iPhone 11, P11,805 cash, at iba pang ebidensyang may kaugnayan sa ilegal na droga.

--Ads--

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Ilagan CCPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.