--Ads--
Naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao ang magnitude 5.6 na lindol na yumanig sa karagatang sakop ng Baganga, Davao Oriental nitong Martes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol alas-7:06 ng umaga na may sentrong lokasyon sa layong 33 kilometro timog-silangan ng Baganga, Davao Oriental.
May lalim itong 20 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naitala naman ang Intensity IV sa Digos City, Davao del Sur.
--Ads--
Sinabi ng PHIVOLCS na wala namang inaasahang pinsala dulot ng lindol ngunit posible pa ring magkaroon ng mga kasunod na pagyanig o aftershocks.











