--Ads--
Inihayag ng American singer-songwriter na si Carly Simon na siya ay na-diagnose na may Parkinson’s disease.
Sa isang pahayag, sinabi ng 83-anyos na singer na matagal na niyang pinag-aaralan kung paano mamuhay sa kabila ng naturang sakit. Ibinunyag din niya na sumailalim siya sa paggamot para sa skin cancer sa mukha.
Ayon kay Simon, una niyang inakala na ang kanyang hirap sa paglalakad ay dulot lamang ng paggaling mula sa mga joint replacement surgery, ngunit kalaunan ay natukoy na may Parkinson’s disease siya.
Sa kabila ng kanyang kondisyon, sinabi niyang patuloy siyang kumukuha ng lakas sa musika at nakapagre-record pa ng bagong album na nakatakdang ilabas sa Agosto.
--Ads--







