--Ads--

Pasok sa quarterfinals ng Mubadala DC Open ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos talunin ang defending champion na si Leylah Fernandez sa iskor na 6-2, 7-6(1) nitong Huwebes ng madaling-araw, oras sa Pilipinas.

Naitala ni Eala ang panalo matapos makabawi mula sa 1-5 na pagkakaiwan sa ikalawang set at tuluyang maungusan ang Canadian netter sa tiebreak.

Ito na ang ikalawang sunod na torneo kung saan napatalsik ni Eala ang defending champion, kasunod ng kanyang tagumpay laban sa reigning Wimbledon champion na si Iga Swiatek sa ikatlong round ng naturang Grand Slam.

Bago umabante sa quarterfinals, matagumpay ring nakalusot ang 20-anyos na Pinay sa Round of 32 matapos pataubin ang reigning Olympic at Asian Games gold medalist na si Zheng Qinwen ng China sa iskor na 4-6, 6-4, 6-1.

--Ads--

Patuloy na nagpapakita ng impresibong kampanya si Eala sa torneo habang target nitong makausad hanggang semifinals.