--Ads--

Inatasan ng Hearing and Adjudication Committee ng MTRCB ang mga respondent sa reklamong may kaugnayan sa umano’y racist joke ni Vice Ganda sa segment ng kanilang noontime show na magsumite ng beripikadong Joint Position Paper sa loob ng pitong araw.

Ito ay kasunod ng pagdinig na isinagawa ng MTRCB nitong Hulyo 29 kasama ang mga kinatawan at legal counsel ng network na nag-eere ng programa.

Bukod sa Joint Position Paper, pinagsusumite rin ang mga respondent ng Joint Undertaking na naglalaman ng mga hakbang upang higit na matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng MTRCB, lalo na sa mga live at comedy segments.

Iniutos din ng ahensya ang pagtalaga ng On-Air Compliance Officer na magmo-monitor sa mga live broadcast ng programa upang maiwasan ang mga posibleng paglabag sa mga patakaran nito.

--Ads--

Samantala, nananatiling nakabinbin ang reklamo habang sinusuri ng MTRCB ang mga dokumento at ebidensyang isusumite ng mga respondent.