--Ads--

Nagsagawa ng panibagong pambobomba ang Estados Unidos sa Iran kung saan tinamaan ang isang residential building sa Qeshm Island na ikinasawi ng mag-asawa at kanilang dalawang taong gulang na anak.

Nakarinig din ng mga pagsabog sa Kish Island, Bushehr, at apat na iba pang lokasyon sa Khuzestan province na kilala bilang sentro ng industriya ng langis ng Iran.

Samantala, kinondena ng Iraq ang isinagawang pag-atake ng Estados Unidos at Saudi Arabia sa kanilang teritoryo. Ayon sa Popular Mobilisation Forces, nasa 20 nilang miyembro ang nasawi habang 32 ang sugatan. Apat na Iranian din ang iniulat na napatay sa mga pag-atake.

Sa Gaza naman, dalawang Palestinian ang nasawi at mahigit isang dosena ang sugatan matapos ang panibagong opensiba ng mga puwersa ng Israel sa kabila ng umiiral na tigil-putukan na pinangunahan ng Estados Unidos.

--Ads--