--Ads--
Posibleng bumagal pa sa 2.5 % ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng taon mula sa 2.8 % noong unang quarter.
Sa pinakahuling ulat, patuloy na naaapektuhan ang ekonomiya ng mataas na inflation, mahinang kumpiyansa ng mga negosyo, at mababang paggasta ng mga mamimili.
Bagama’t bahagyang bumaba sa 6.4 % ang inflation noong Hunyo mula sa 6.8 % noong Mayo, nananatili pa rin itong higit na mataas sa target na 3 % ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Binigyang-diin din ng mga ekonomista na nananatiling banta sa ekonomiya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dahil sa sigalot sa Gitnang Silangan.
--Ads--









