--Ads--

Bumagsak ang isang F-35B stealth fighter jet ng United States Marine Corps malapit sa Miramar Air Base sa San Diego, California.

Ayon sa US Marine Corps, ligtas na nakapag-eject ang piloto bago bumagsak ang eroplano at agad na dinala sa ospital. Nasa ligtas na umano itong kondisyon at nagtamo lamang ng minor injuries.

Nagkaroon din ng sunog sa damuhan malapit sa crash site na agad namang nirespondehan ng mga bumbero at awtoridad.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.

--Ads--

Ang F-35B ay isa sa mga pinaka-advanced na fighter jet ng militar ng Estados Unidos at nagkakahalaga ng tinatayang $109 milyon bawat isa.