--Ads--

Tatlong katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang news helicopter sa Chatsworth, Los Angeles, California nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Los Angeles Fire Department, isang tao rin ang isinugod sa ospital, habang hindi pa batid ang kanyang kondisyon. Naganap ang pagbagsak malapit sa lugar ng isang hiwalay na aksidente sa bus at kasalukuyan ang live broadcast ng news channel.

Nagdulot ng sunog ang pagbagsak at nadamay ang ilang sasakyan at cargo containers. Iniimbestigahan na ng National Transportation Safety Board at Federal Aviation Administration ang sanhi ng insidente.