Sinabi ni US President Donald Trump na nagpapatuloy na umano ang negosasyon sa Iran at tinawag itong huling pagkakataon ng Tehran upang makamit ang kasunduan na magtatapos sa limang buwang digmaang.
Gayunman, mariing itinanggi ng Iran na may direktang usapan ito sa Estados Unidos, at sinabing nakikipag-usap lamang ito sa Oman kaugnay ng usapin sa Strait of Hormuz.
Samantala, iginiit ng Board of Peace ni Trump na kinakailangang ganap na mag-disarma ang Hamas bago umatras ang Israel sa Gaza, kasunod ng pagtutol ng Israel sa naturang panukala.
Sa panibagong karahasan sa Gaza, dalawang Palestino ang nasawi sa pag-atake ng Israeli forces sa Gaza City. Dahil dito, naglabas ng magkasanib na pahayag ang Qatar, Egypt, at Turkey na kumokondena sa nagpapatuloy na opensiba ng Israel sa Gaza Strip.











