Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Storm Maymay na huling namataan sa layong 170 kilometro kanluran ng Bacnotan, La Union.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kilometro kada oras. Mabagal itong kumikilos pa-timog silangan.
Dahil sa epekto ng bagyo, inaasahan ang maulan at mahangin na panahon sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Mountain Province at Abra, kung saan posible ang pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Makakaranas naman ng pag-ulan na may pabugso-bugsong hangin ang buong Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region, gayundin sa Zambales, Tarlac at Nueva Ecija.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa central and southern portions of Ilocos Sur, northern and central portions of La Union, northwestern portion of Pangasinan , southwestern portion of Abra, western portion of Mountain Province , at northwestern portion of Benguet.
Samanatala, signal no. 1 naman ang Ilocos Norte,nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, ,nalalabing bahagi ng La Union, ,nalalabing bahagi ng Pangasinan, Apayao, nalalabing bahagi ng Abra, Kalinga, ,nalalabing bahagi ng Mountain Province, Ifugao, ,nalalabing bahagi ng Benguet, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern portion of Zambales , northern portion of Tarlac , northern portion of Nueva Ecija , at northern portion of Aurora
Samantala, patuloy ring pinalalakas ng Habagat o Southwest Monsoon ang pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Antique, Iloilo at Guimaras.
Sa nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms.
Sa labas ng Philippine Area of Responsibility, patuloy namang kumikilos pakanluran ang Typhoon Dolphin, na huling namataan sa layong 1,845 kilometro silangan-hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 205 kilometro kada oras.
Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga nasa mabababang lugar at bulubunduking bahagi, na manatiling alerto sa posibleng pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang panganib dulot ng masamang panahon.










