--Ads--

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang No.7 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape sa isinagawang operasyon kamakailan lamang sa Barangay Tallag, Cabagan, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si alyas Elmer, 56 taong gulang, may asawa, isang drayber, at residente ng nasabing bayan.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Alicia Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela Police Provincial Office , Regional Intelligence Unit 2 , at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company .

Matagumpay nilang naipatupad ang Warrant of Arrest laban sa akusado na may petsang Mayo 18, 2026, para sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape. Nakasaad sa naturang warrant na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

--Ads--

Matapos ang maayos at mapayapang pag-aresto, agad na dinala ang akusado sa kustodiya ng Alicia Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda sa kanyang pagharap at turnover sa hukuman na nagpalabas ng warrant.