--Ads--

Naging kakaiba ang promo ng isang gas station sa upstate New York matapos itong mag-alok ng discount sa gasolina sa mga customer na sasayaw sa checkout counter.

Na-inspire umano ang gas station sa mga video at trend sa social media, kung saan hinihikayat ang mga customer na magpakitang-gilas sa sayaw kapalit ng mas murang gasolina.

Naging patok naman ang kakaibang promo dahil bukod sa pagtitipid sa gasolina, nagiging mas masaya rin ang karanasan ng mga customer habang naghihintay sa checkout. Bahagi rin ito ng malikhaing paraan ng mga negosyo na gamitin ang social media upang makakuha ng atensyon at makahikayat ng mas maraming customer.