Isang babaeng Indian ang nagtala ng bagong Guinness World Record matapos masukat ang kanyang buhok na may habang 8 talampakan at 10 pulgada, makaraang hindi magpagupit mula noong 2015.
Kinilala si Renu Dhariyal, isang content creator sa YouTube, bilang babaeng may pinakamahabang buhok sa kasalukuyan, na nalampasan ang dating rekord ni Aliia Nasyrova ng Ukraine.
Ayon kay Dhariyal, pinahaba niya ang kanyang buhok bilang bahagi ng tradisyon at paniniwala sa kulturang Indian na itinuturing ang mahabang buhok bilang simbolo ng kagandahan. Gumagamit lamang siya ng mga natural na produkto sa pag-aalaga nito at ibinabahagi ang kanyang mga hair care tips sa kanyang YouTube channel.
Samantala, nananatili pa ring hawak ni Xie Qiuping ng China ang rekord para sa pinakamahabang buhok ng isang babae sa kasaysayan, na may habang 18 talampakan at 5.54 pulgada.











