--Ads--
Tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado nitong Miyerkules dahil sa pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay mula sa Middle East.
Ayon sa mga ulat, lumabo ang posibilidad ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran habang nagkaroon din ng mga pag-atake sa mga barko sa Strait of Hormuz at Bab el-Mandeb Strait.
Dahil dito, umakyat ang presyo ng Brent crude sa $89.63 kada bariles habang pumalo naman sa $83.91 kada bariles ang West Texas Intermediate (WTI).
Samantala, nagbabala ang U.S. Energy Information Administration (EIA) na maaaring magpatuloy hanggang 2027 ang mga pagkaantala sa suplay ng langis mula sa Middle East.
--Ads--











