Ibinaba ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang inaasahang gastusin ng pamahalaan para sa imprastraktura sa 2027 sa ₱1.34 trilyon mula sa naunang target na ₱1.69 trilyon.
Batay sa updated fiscal program ng gobyerno, katumbas ito ng 4% ng gross domestic product (GDP), mas mababa sa dating target na 5.1%.
Sa kabila nito, iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱1.47 trilyong pondo para sa imprastraktura sa 2027 sa ilalim ng programang “Build Better More” upang pondohan ang mga proyekto sa kalsada, transportasyon, paaralan, gusali at suplay ng tubig.
Pinakamalaking dagdag pondo ang mapupunta sa Department of Transportation (DOTr), habang mananatiling may pinakamalaking bahagi ng infrastructure budget ang Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang ang pondo para sa flood control projects.
Samantala, nakatakda namang mabawasan ang infrastructure budgets ng Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), at National Irrigation Administration (NIA) sa 2027.







