--Ads--

Ibinaba ng International Monetary Fund o IMF sa 3.4% ang forecast nito sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2026 mula sa dating 3.9%, dahil sa epekto ng mataas na presyo ng langis at mabagal na government spending.

Ayon sa IMF, kabilang sa dahilan ang mas mabagal kaysa inaasahang paglago ng ekonomiya noong second quarter na nasa 2.3% lamang.

Bumagsak din ng 32.4% ang infrastructure spending habang bumagal sa 2.8% ang paglago ng household consumption.

Samantala, tinatayang aabot sa 5.6% ang average inflation ngayong taon, mas mataas sa 3% target ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

--Ads--