--Ads--
Umakyat na sa 68 ang bilang ng mga nasawi sa pagtaob ng isang pampasaherong bangka sa Lake Kariba sa Zimbabwe matapos makarekober pa ng 22 bangkay ang mga awtoridad.
Ayon sa Zimbabwe Republic Police, patuloy ang search and retrieval operations sa lugar ng insidente upang matukoy kung may iba pang nawawala.
Naganap ang trahedya noong Agosto 11 nang tumaob ang bangka habang bumibiyahe sa Lake Kariba.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinaniniwalaang overloaded ang bangka at nasalanta pa ng malalakas na hangin nang mangyari ang insidente.
--Ads--
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at pananagutan kaugnay ng trahedya.






